For lack of better things to do ilang netizens ang nagkomento ng hindi maganda sa two-year old na si Tali, ang anak ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna.
Hindi naman ito pinalampas ni Pauleen at binalaan ang basher na dadalhin ito sa korte para magsampa ng demanda. “Why bully a child na wala namang ginagawang masama? Marami ang natutuwa kay Tali lalo na kapag sumasayaw sayaw sa Eat Bulaga. Iam proud of her and she will always be beautiful to me,” depensa ni Pauleen sa inosenteng anak.
Ano naman ang masasabi ni Pokwang ang co-host ng Chika Besh?
“Never bully an innocent kasi anghel ang mga yan. Ilagay nyo lang ang sarili nyo sa lugar ng isang magulang kapag binu-bully ang anak,” sey ni Pokwang.
Hinggil sa morning show Chika Besh sa TV5 natutuwa si Pokwang na maging bahagi ng isang show na naka-focus sa positibong bagay. At doon sa basher nag-sorry na siya sa kanyang inasal. Nowadays tila napakadaling mag-sorry at in public pa. Kaya lang the harm has been done.
-REMY UMEREZ