NAKIPAGPULONG ang PBA sa East Asia Super League kasunod ng nakuhang 10-year agreement ng huli sa FIBA para magdaos ng taunang liga na magtatampok sa mga nangungunang professional clubs mula sa East Asia at sa Pilipinas.

“Nag-uusap kami ni Matt Beyer tungkol diyan,” ani Commissioner Willie Marcial na tinutukoy ang chief executive officer ng EASL.“Sabi ko paguusapan namin sa board.”

Ilang PBA squad na ang lumahok sa mga EASL events sa Macau sa nakalipas na dalawang taon. Una ang NLEX at Blackwater noong 2018 sa all-local Summer Super 8. Sumunod ang San Miguel Beer at TNT kasama ang Elite noong nakaraang taon sa import-laden The Terrific 12.

Ang Road Warriors at ang Beermen ang nakapagtala ng pinakamataas na pagtatapos sa nasabing dalawang torneo. Kapwa sila umabot ng semifinals at tumapos na pang-apat.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Magkakaroon ngayon ng bagong format ang EASL na ilulunsad sa Oktubre 2021 — isang buwan pagkatapos ng FIBA Asia Champions Cup.

Sa bagong format maghaharap ang top 8 teams ng rehiyon sa home-and-away group stage na magtatapos sa pamamagitan ng Final Four sa Pebrero kung saan aalamin ang kampeon at mga magiging runner-ups.

-Marivic Awitan