Aabot sa 154 na mga estudyante mula sa graduating class of 2026 ng University of the Philippines (UP) Diliman ang magtatapos bilang summa cum laude.
Ayon sa ulat na ibinahagi ng Philippine Collegian, ang tala ay inilabas ng Office of the University Registrar ng UP Diliman nitong Huwebes, Hulyo 2.
Samantala, 927 naman ang pararangalan bilang magna cum laude; habang 914 naman ang cum laude.
Ayon sa parehong ulat, ang UP Diliman graduating student na si Janine Sofia Marie Umiten mula sa Bachelor of Science (BS) in Social Work ang “class representative” para sa taong 2026—na siyang magbabahagi ng talumpati sa darating na commencement exercises ng unibersidad sa Linggo, Hulyo 5.
Ang magaganap na graduating ceremony ay ang ika-115 na pangkalahatang pagtatapos ng UP Diliman.
Photo courtesy: University of the Philippines