Bunsod ng mga ulat na may nakakapuslit pa ring illegal drugs, kinalampag muli ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bureau of Customs Chief Reynaldo Guerrero.

Sa muling pag-uulat sa bayan, binanggit ng Pangulo ang katagang “shape up” para kay Guerrero na kasingkahulugan na dagdagan pa ang pagtatrabaho nito sa ahensya.

Tinumbok ng Pangulo kay Guerrero ang patuloy na insidente ng pagpasok sa bansa ng ilegal na droga dahil lumulusot ito sa BOC.

Dito ay iniutos ng Pangulo kay Guerrero na magsagawa ng reshuffle sa regional offices sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw para maiwasan ito.

National

Sen. JV, nag-react na bukas si PBBM sa reconciliation sa mga Duterte

“Tiwala kasi si Guerrero sa mga matatanda nang taga-Customs na binibilog lamang ang kanyang ulo,” wika ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, lahat naman ng suporta gaya ng pagbili ng armas ay kanyang ibinigay kay Guerrero kaya’t ang nais niya ay bigyan naman siya ng output.

-BETH CAMIA