NAPAPANSIN ng mga followers ni Sharon Cuneta sa kanyang social media accounts at kahit sa YouTube channel nito, na maraming nagpapadala sa Megastar nang iba’t ibang pagkain at mga produkto na ipinu-post naman nito sa lahat ng kanyang social media accounts. Napansin din ng mga netizens na lahat ng mga iyon ay pang-online selling, kaya na-eennganyo raw silang mag-online din ng order lalo na kapag pinuri ni Sharon ang mga pagkain matapos niyang matikman iyon. Isa pa may mga prices din ang mga ipinu-post ni Sharon hindi tulad ng ibang may online selling na itatanong mo pa ang mga presyo ng paninda nila at sasagutin ka ng ‘PM me.’ Kay Sharon, kumpleto ang mga gusto mong malaman kung gusto mong mag-order ng mga paninda.
May katwiran si Sharon kung bakit niya ginagawa iyon: “ I have loved supporting small businesses in these difficult, unpredictable times of Covid-19. I was happy to post about them to give them a little ‘push’ or a ‘hand-up,’ and I now buy their products because I love them!”
At lagi pang may message si Sharon sa kanila na “ Lots of love and God bless your business, employees, and all your families always!”
Ginagawa ito ni Sharon sa kabila ng pagiging busy rin niya sa kanyang @sharoncunetanetwork na ii-enjoy ninyong sundan ang bawat episode na ipinalalabas niya sa YouTube channel niya.
-NORA V. CALDERON