“Long lines are now a thing of the past!”
Ito ang masayang saad ni First Lady Liza Marcos nang inanunsyo niyang maaari nang mag-apply ng National Bureau of Investigation (NBI) Clearance gamit ang eGovPH Super App.
Batay sa Facebook post ni FL Liza, inanunsyo niyang epektibo na ang bagong paraan ng registration simula ngayong Lunes, Hulyo 6.
Aniya pa, sa pamamagitan nito, ang dating pinipilahan nang matagal ay posible nang magawa sa loob ng limang minuto.
Sa nasabi ring post, kinilala ni FL Liza sina Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Henry Aguda, Usec. David Almirol, at NBI Director Melvin Matibag.
“One more step toward a government that truly works for the people,” positibong saad ni FL Liza.