Nagbigay ng reaksiyon ang legal counsel ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Michael Poa kaugnay sa pagkakatalaga kay Sen. Chiz Escudero bilang presiding officer sa impeachment trial ng kaniyang kliyente.
Matatandaang mainit na pinagtalunan sa Senado kung sino ba ang dapat tumayong presiding officer kapag Bise Presidente ang lilitisin.
Sa panayam ng media nitong Lunes, Hulyo 6, maingat na sinagot ni Poa ang tanong kaugnay rito.
“Ayoko na muna sigurong mag-comment out of respect for our senators cause there were manifestations made; there were objections made on record,” saad ni Poa.
Dagdag pa niya, “So siguro hindi appropriate for the defense right now to comment on that. Gusto lang po nating galangin talaga 'yong ating senator-judges.”
Matatandaang nanindigan ang Senate minority bloc na si Senate President Win Gatchalian umano ang dapat manguna sa nasabing paglilitis sa halip na maghalal pa ng presiding officer.
Maki-Balita: Sen. Robin Padilla tungkol sa legal terms: 'Humingi ako ng tulong sa Google'