Masayang, malungkot.
Ganito inilarawan ng nag-iisang female Olympic Qualifier sa boxing na si Irish Magno ang kanyang nararamdam ngayon sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bansa, partikular na ng sports.
Ayon sa 28-anyos na si Magno, maraya siya sa suportang ipinakita ng Philippine Sports Commission (PSC) sa kanilang mga atleta, ngunit malungkot din gayung hanggang sa ngayon aynkalahati pa rin umano ang allowance na kanilang natatanggap.
“Syempre po masaya po ako kasi atleast suportado po kami ng PSC sa trainings po. Pero as of now po kasi training at home palang po kami.,and 50% pa rin allowance po. Kaya nakakalungkot po,” pahayag ni Magno sa panayam ng Balita.
Kamakailan ay humingi ng paumanhin ang PSC sa mga atleta gayung patuloy pa rin ang krisis na kinakaharap ng ahensiya pagdating da pondo.
Bukod pa dito ay nagkaroon ng malawakang pagbabago nang magsagawa ng payroll overhaul ang sports agency bunsod ng pandaraya na ginawa ng isang empleyado nito.
Ngunit sa panig ng atleta, partikular na ni Magno, nauunawaan naman niya umano kung anuman ang suliranin na kinakaharap ngayon ng PSC, gayung lahat nang ito ay nagsimula buhat nang maganap ang paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo.
Sa kasalukuyan ay patuloy naman na nag-eensayo si Magno kahit na nasa loob ng bahay lamang kung saan nakauwi na siya sa kanyang tahanan sa Iloilo.
Bagama’t wala pa rin umanong kalinawan kung pag-eensayo pa siya sa ibang bansa bilang preparasyon sa 2021 Tokyo Olympics.
“Basta ngayon po, puro ensayo lang. Ang hangad ko lang po makapagbigay ng magandang laban para sa Pilipinas,” pahayag ni Magno.
-Annie Abad