KAKA-POST lang nina Enchong Dee at Erich Gonzales ang Enrich Originals sa YouTube ay almost 50k na kaagad ang subscribers at excited na silang mapanood ang unang digital series na pagsasamahan nang dalawa.

Erich at Enchong

Ang titulo ng kanilang series ay ‘You. Me. Maybe’ na parang hango talaga sa buhay nilang dalawa as bestfiends na baka in the future ay posibleng maging sila lalo’t inamin naman nilang mahal nila ang isa’t isa.

Si Noreen Capili ang nagsulat ng script, si Erich ang direktor at ang mag-bff naman ang producer ng kanilang series na mapapanood din sa ibang digital platforms.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon sa panimulang kuwento ng Enrich ay pang-10th project na nila ang You. Me. Maybe at ito ang future nila para sa new normal na buhay dahil hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam kung kailan babalik kasama na rin ang muling pagbubukas ng ABS-CBN network.

Nakakatuwang nag-reminisce ang dalawa sa mga nakaraan nilang projects na umabot sa siyam dahil bawa’t isa ay may mga alaala silang hindi nalilimutan at na-share nila ito sa kanilang subscribers na iisa ang sinasabi, “I love watching you two, bagay kayo.”

Alam naman nang dalawa na bagay sila pero sabi nga nila, “ayaw naming masira ang friendship namin kung sakaling magligawan kami.”

Anyway, may pustahan sina Erich at Enchong na kapag umabot sa 1M views ang first episode ng series nila ay magbabakasyon sila sa Siargao dahil sa pelikulang Siargao na entry ng Ten17 sa Metro Manila Film Festival noong 2017 na bida ang aktres kasama sina Jericho Rosales at Jasmine Curtis Smith ay hindi nakasama ang aktor.

Sabi ni Erich, “sumama ang loob mo nu’ng hindi ka nakasama sa Siargao.”

Say naman ni Enchong, “hanggang dito lang pala ako sa QC at sa Rizal. Will You take me to Siargao, for free?

“Yeah pag puwede anong for free? Ha, wala akong narinig guys!” nabinging sagot ng dalaga.

At ‘yun na nga kapag umabot ng 1M views ay mamasyal ang magkaibigan sa Siargao at sagot ni Erich ang pamasahe.

Sabay tanong sa aktor, “ano naman mapapala ko kapag nag 1M views?”

“Sagot ko ang pagkain and drinks,”say ni Enchong.

“Ay, pag may alak may masamang balak, anong balak mo?” tanong ng dalaga sa kaibigan.

At tumawa naman si Enchong sabay labas ng dila.

Samantala, inengganyo ng Enrich na baka may gustong mag-share ng ginawa nilang kanta at puwedeng magamit sa series ay very much welcome.

“If you guys are willing to share your own composition with us so we can use it in our series, we would love to and we would love to collaborate,”say ng aktor.

At sa mga gustong magpadala ay maaring mag-email sa enrichoriginal@gmail. Com.

-REGGEE BONOAN