KAPWA nominado ang mga Kapuso stars na sina Alden Richards at Janine Gutierrez sa Best Actor at Best Actress awards respectively sa darating na 43rd Gawad Urian mula sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino na gaganapin sa mid-October. Nominated ang 24 film titles sa 12 categories.
Nominated ang Pambansang Bae sa pelikulang Hello, Love, Goodbye, at si Janine naman para sa Babae at Baril. Highest grossing Filipino film for 2019, ang “Hello, Love, Goodbye” at kabilang naman sa 2019 QCinema Internaional Film Festival ang “Babae at Baril” na nakatanggap dito si Janine ng kanyang first Best Actress award.
Sa Best Actor, ang iba pang nominado ay sina Louis Abuel (Edward), Oliver Aquino (Jino To Mari), Gold Azeron (Metamorphosis), Raymond Bagatsing (Quezon’s Game), Royce Cabrera (Fuccbois), Elijah Canlas (Kalel, 15), Gio Gahol (Sila-Sila), Joel Lamangan (Ang Hupa), Jansen Magpusao (John Denver Trending).
Sa Best Actress, ang iba pang nominado ay sina Kathryn Bernardo (Hello, Love, Goodbye), Alessandra de Rossi (Lucid), Max Eigenmann (Verdict), Angie Ferro (Lola Igna), Jean Garcia (Watch Me Kill), Nadine Lustre (Ulan), Anita Linda (Circa), Bela Padilla (Mananita), Sue Prado (Alma-Ata), Ruby Ruiz (Iska).
-NORA V. CALDERON