MATAPOS tumangging dumalo sa unang tatlong pagpupulong, inatasan ng pamunuan ng UAAP ang University of Santo Tomas na sumama sa huling zoom meeting at magsumite ng final report sa ginawa nilang imbestigasyon sa Bicol training.

Ito ang sinabi ni UAAP executive director Rebo Saguisag sa isang statement na inilabas ng liga.

Nakatakdang ganapin ang nasabing final zoom meeting kasama ng mga kinatawan ng IATF sa Martes (Setyembre 1).

“A member of the committee will be asked to submit the report and attend a meeting with the Commission on Higher Education, Philippine Sports Commission, Department of Health, and Games and Amusement Board,” nakasaad sa statement ni Atty. Saguisag.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nakarating lamang sa pinakamatataas na opisyales ng UST ang nasabing training ng Growling Tigers sa Sorsogon nitong Linggo, limang araw matapos tanggalin ang dati nilang team captain na si CJ Cansino.

Kahapon, inaasahan na matatapos ang ginawang sariling imbestigasyon mg UST sa nasabing training ng Tigers sa Sorsogon na isang malinaw na paglabag sa quarantine protocols ng gobyerno.

-Marivic Awitan