Nakatikim ng unang kauna-unahang pagkalatalo si Eman Bacosa Pacquiao matapos siyang tatlong beses pabagsakin ni Rodelyn Perez sa naging bakbakan nila para sa Philippine Boxing Federation (PBF) lightweight championship title noong Linggo, Hunyo 21, 2026.
Sa score na 75-75, 76-73 at 75-74, nasungkit ni Perez ang naturang championship title via majority decision at tuluyang ginasgasan ang malinis na winning streak ng karera ni Bacosa.
Tatlong beses na pinabagsak ni Perez si Bacosa matapos niya itong unang pataobin sa second round at magkadalawang sunod na bagsak naman sa third round.
Bunsod nito, bumaba sa 8-2-1 win-loss-draw record ang streak ni Bacosa habang 5-4 naman kay Perez.
Matatandaang taong 2024 nang unang nagharap sina Bacosa at Perez kung saan itinanghal si Bacosa na panalo via majority decision.
Bago nito, matatandaang noong Pebrero 2026 lamang nang inukit ni Bacosa ang huli niyang panalo kung saan pinatulog niya sa ikaapat na round ang Indonesian boxer na si Reynold Kundimang.
Samantala, ilang netizens naman ang tila hindi natuwa at nadismaya sa ipinakitang performance ni Bacosa, anila, kailangan pa raw matuto ng batang boksingero sa kaniyang amang si Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao.
“Masyado pang mabait sa kalaban si Eman!”
“Nako, magpaturo ka muna sa tatay mong si Pacman.”
“Kailangan niya pang makuha ang bilis ni idol.”
“Hindi naman ganiyan laro mo Eman”
“Parang hinayaan niya na lang na makorner siya ng ilang beses.”
“Magpaturo ka kay Pacman, hindi pwedeng ganiyan ka kabagal.”
“Eman yung tatay mo hindi naman marunong maawa sa kalaban”