KINATIGAN ng Commission on Higher Education (CHED) ang Joint Administrative Order (JAO) ukol sa safety protocols kaugnay ng pagsasagawa ng physical activities at sports na isnulong ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at ng Department of Health (DOH).

Sa pagpupulong via zoom nitong Miyerkules, sentro ng usapin ang isyu sa paglabag ng University of Santo Tomas Golden Tigers sa JAO nang magsagawa ito ng ‘bubble training’ sa Sorsogon sa gitna ng ipinapatupad ng community quarantine.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III na Marso pa lamang ay nagpapalabas na sila ng mga kautusan sa kanilang nasasakupan na tertiary education kung saan ipinag-iutos nila na manatili lamang sa bahay ang mga estudyante.

Ganito rin ang mahigpit na patakaran ng IATF batay sa rekomendasyon na nakapaloob sa JAO.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, walang medalya ang makakatumbas sa kalusugan ng mga atletang Pilipino.

Kabilang din sa nasabing pulong sina GAB Chairman Abraham Mitra na nagpasalamat din kay De Vera gayundin sina CHED Executive Directory Atty. Cindy Jaro at DOH Health Promotion at si Communication Service Head Rodley Carza.

Umaasa ang nasabing grupo na makikipagpulong na sa kanila ang mga pinuno ng mga unibersidad na kailangang magpaliwanag hinggil sa isyu, at nang mapatawan na rin ng kaukulang parusa kung kinakailangan.

-Annie Abad