Nangako ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na gagamitin nila ang kapapasang Anti-Terrorism Act (ATA) upang labanan ang Terorismo kasunod ng naganap na dalawang pagsabog sa Jolo, Sulu, kamakailan.

Ito ang inihayag kahapon ni AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay at sinabing gaganmitin din ng militar ang ilang probisyon ng Presidential Proclamation 55 na nagdedeklara ng national emergency laban sa karahasan sa Mindanao na nagkakabisa pa matapos itong ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pambobomba sa Davao City noong 2016.

“What we are proposing is the strict implementation of the Presidential Proclamation 55. It is still in effect and the conditions embodied in that Presidential Proclamation may be used as among the measures to really combat terrorism in the area,” sabi pa ng heneral.

-Aaron Recuenco

UP, DLSU sanib-pwersa sa pagpapaunlad ng lipunang Pilipino