Napipintong magpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 10 hanggang 20 sentimos sa presyo ng kada litro ng gasolina habang maaaring bumaba naman sa 15-20 sentimos ang presyo ng diesel at kerosene.

Ang nagbabadyang pagbabago sa presyo ng petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Malimit ang implementasyon ng oil price adjustment sa kada araw ng Martes.

Eleksyon

Doc. Willie Ong, inendorso si Sen. Imee Marcos

Nitong Agosto 18, nagtaas ang oil companies ng P0.60 sa gasolina at P0.10 sa diesel habang walang paggalaw sa presyo ng kerosene.

-Bella Gamotea