July 28, 2026

Home BALITA National

Sen. Imee sa suot na itim na outfit: 'Parang bansa natin, gutay-gutay'

Sen. Imee sa suot na itim na outfit: 'Parang bansa natin, gutay-gutay'
Photo courtesy: Imee Marcos (FB)

Ipinaliwanag ni Sen. Imee Marcos ang simbolismo ng kaniyang itim na kasuotan at lumang bag sa pagdalo sa pagbubukas ng Second Regular Session ng 20th Congress sa Senado noong Lunes, Hulyo 27, ilang oras bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng kapatid na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos na ang kaniyang damit ay sumasalamin umano sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. Ipinaliwanag din niya ang mga nakalagay na disenyo sa kaniyang bitbit na bag.

Kapansin-pansin sa kaniyang itim na bag na may mga "gintong peke" ang mga lumang larawan ng ama nila ni PBBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

"Ang damit ko puros retaso, parang bansa natin gutay-gutay, hiwa-hiwa, biyak-biyak, tira-tira!" aniya, sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Hulyo 27.

"Ang bag ko kumupas na nga, luma na, puro tira-tira, may earrings na walang kapares at nilagyan ko rin ng mga litrato ng aking ama na walang katulad."

National

Sen. Marcoleta sa 'ex-speaker' na malapit nang kasuhan: 'Ganoon lang?'

Sa isa pang post, paliwanag pa niya, "ITIM pa rin tayo sa pagbubukas ng Second Regular Session ng 20th Congress sa Senado ngayong Lunes, Hulyo 27. Ilaban ang Tama. Itama ang Mali."

Bukod dito, ang itim ay simbolo rin aniya ng "pagdadalamhati."

"Para sa muling pagbubukas ng sesyon sa Senado, nagsuot tayo ng sangkatutak na gintong peke -katulad ng pagdadalamhati at mga polisiyang walang-puso sa hirap ng mamamayan," aniya.

Sa huli, binanatan niya ang mga pahayag ng kapatid sa SONA bilang "pambubudol" sa bayan.