IPARARAMDAM ng Idol Philippines finalist na si Lance Busa ang kaibahan ng maganda at nakasisirang relasyon sa bago niyang single na Sa Aking Mundo, na nagsimula nang mapakinggan mula nitong Biyernes, Agosto 21.

“Minsan hindi mo na kailangang ipagsisikan ang sarili para mahalin ka,” ani Lance tungkol sa mensahe ng kanyang debut single mula sa Star Music. Ang neo-soul na awitin ay isinulat ng songwriter-producer na si Kiko “KIKX” Salazar at bahagi ng kanyang After Dark ‘The Final Hour EP bilang selebrasyon ng ika-10 taon niya sa industriya.

“Kumakatawan itong kanta na ‘to sa introvert side ko. Ginawa ko siya talaga bilang sulat sa sarili ko, paalala na ang mga tao pwedeng mag-inspire o mag-drain sa’yo, kaya kailangan mo’ng pumili nang maigi para ma-protektahan ‘yung sarili mo,” paliwanag ni KIKX.

Pinuri niya rin ang pagkakaawit ni Lance sa “Sa Aking Mundo,” na aniya’y sakto sa ‘laidback mood’ ng kanta. “’Yung boses ni Lance Busa tamang-tama yung suwabe at tensyon. Sigurado ako na bagay ito sa kanya.”

Michael Sager, Emilio Daez nagpaalam na sa Bahay ni Kuya

Kinilala bilang third placer si Lance sa pagtatapos ng “Idol Philippines” noong 2019. Bago ito, naging champion siya sa unang edisyon ng reality singing competition ni Michael Bolton na Bolt of Talent noong 2017.

Protektahan ang puso mula sa mapanakit na pag-ibig at pakinggan ang debut single ni Lance na “Sa Aking Mundo” sa iba’t ibang digital streaming platforms.

-MERCY LEJARDE