NABABAHALA ang mga supporter ni Angeline Quinto sa sunud-sunod na IG post niya tungkol sa taong hindi niya pinangalanan na sa tingin niya ay ini-stalk siya simula noong i-post niya ang pangalan ng guy na nagpapasaya sa kanyang buhay.

angeline

May mga nagsabing isa ito sa naka-relasyong babae ng kaibigang lalaki ngayon ni Angeline.

Sa huling panayam namin sa dalagang singer ay inamin niyang espesyal sa kanya ang guy pero hindi pa niya ito boyfriend kundi close friend lang.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

May lumabas na larawan ding magkasama sina Angeline at guy sa swimming pool na ayon sa mga nakakita ay ‘more than friends’ sila.

Mensahe sa amin ng isa sa supporter ni Angeline,” Hi po Ms. Reggee. concern fan po ako ni Angeline and nabasa ko about her and rumored special friend. I know nakakausap niyo po siya, alam namin na sa personal life niya eh siya lang mkakapag-decide but still nakaka-sad pa rin na may ganitong issue sa kanya. It’s her life we know and as her fans we always hope and pray for her happiness pero sana ‘yung di siya masaktan at ma-agrabyado.”

Ang guy na special friend daw kasi ngayon ni Angeline ay may tatlong anak na babae sa dalawang kinakasama at hindi malinaw kung may relasyon pa ang guy sa mga nanay ng mga anak niya.

Samantala, ang mga mensaheng post ni Angeline ay.

“I’m good Luv, stop checking my page.”

“I started the week with a big box of patience. The box is empty now.”

“You hate me? Well okay. Grab a chair and wait for me to care,”

“Go Girl.”

“If you have an opinion about my life, please raise your hand. Now put it over your mouth.”

Nagpadala kami kay Angeline ng mensahe kung sino ang pinatutungkulan niya sa mga post niya pero hindi kami sinagot, abala pa sa paglilinis ng swimming pool nila base na rin sa post niya nitong Lunes ng umaga.

Ang caption ng larawan ni Angeline na may hawak na timba at tinakpan ang ilong, ‘’Para bago pa maging fish pond, malinis na. Pakatapang ng chlorine.”

-REGGEE BONOAN