MATAPOS maudlot ang launching ng digital network ni Vice Ganda mga dalawang, nitong August 14 ay matagumpay nang nagsimula ang linggo na ang Vice Ganda Network.
Pagsisimula ni Vice, “Finally, eto na yon. Pero di ka makaka-watch kung di ka registered. Di ka din makakasali sa games kung di ka registered, so di ka mananalo kung di ka registered. Samakatuwid, ang saklap kung di ka registered kaya mag-register ka na sa register.viceganda.com.ph.”
Tulad ng inasahan, maraming pakulo, nakakatawa at aliw ang channel ni Vice, na inumpisahan nga sa GGNV.
“Wala nang bawian, promise! Magsisimula na talaga ang Gabing Gabi Na Vice!”
Isa itong comedy talk show na tila hawig sa dati niyang weekend show sa ABS-CBN na Gandang Gabi Vice.
Bongga ang pilot episode ng show dahil ang mga bigating aktres na sina Angel Locsin at Bea Alonzo ang nakasama niya.
-ADOR V. SALUTA