Tinitingnan ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang ilang security measures na mas magpapaigting sa kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral at kawani ng San Jose National High School.
Kasunod ito ng naganap na karumal-dumal na school shooting incident na kinasangkutan ng dalawang menor de edad na suspek—na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong mag-aaral na kapwa menor de edad din.
MAKI-BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!-Balita
Sa pagbisita ni Mayor Romualdez sa San Jose National High School noong tanghali ng Huwebes, Hunyo 25, siniyasat niya ang paaralan at tiningnan kung ano pa ang maaaring pagbutihin dito sa usaping pangkaligtasan.
Aniya, ito ay isang hakbang upang mapanatag ang mga estudyante—maging ang kanilang mga magulang—upang mapagpatuloy ng mga ito ang kanilang pag-aaral.
“Together with our department heads and police authorities, binisita natin ang San Jose National High School this afternoon to assess how we can further improve safety and security in the area,” saad ni Mayor Romualdez sa kaniyang social media post noong Huwebes, Hunyo 25.
Ayon sa kaniya, “Layunin natin na mapanatag ang kalooban ng mga magulang at higit sa lahat ng ating mga estudyante as they return to school and continue their education.”
“Among the measures we are looking at are the deployment of additional security personnel, the construction of proper and secure fencing around the school, the installation of more CCTV cameras, and the establishment of a panic button system directly connected to the nearest authorities for faster emergency response,” dagdag pa niya.
Anang punong lungsod, siya ay nakipagdayalogo na rin sa mga guro ng nasabing paaralan hinggil sa mga programang tutulong sa emotional recovery, mental well-being, at overall welfare ng mga mag-aaral.
“We are also looking into improving the ambiance and atmosphere of classrooms and hallways to help restore a sense of normalcy, security, and comfort for our students as they gradually move forward from this difficult experience,” anang punong lungsod.
“This is only the beginning. Magpapatuloy tayo sa pagpapatupad ng mga hakbang na ito hindi lamang sa San Jose National High School kundi maging sa iba pang paaralan sa ating lungsod hanggang masiguro natin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat estudyante sa buong Tacloban,” dagdag pa niya.
Pagtitiyak ni Mayor Romualdez, gagawin nila ang lahat upang matiyak ang kaligtasan ng mga paaralan sa kanilang komunidad.
“We will do everything we can to ensure that our schools remain safe spaces for learning, growth, and opportunity,” pagtatapos ni Mayor Romualdez.