NAGBIGAY na ng ilang informations ang GMA Entertainment Group na humahawak ng production ng Pinoy adaptation ng K-Drama na Descendants of the Sun na nagtatampok sa isang big cast sa pangunguna nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith, sa direksyon naman ni Dominic Zapata.

Naayos na ang mga dapat nilang gawing na pagsunod sa protocols na required sa taping kaya tuloy na ang pagbabalik-taping ng cast simula sa susunod na buwan, sa first week of September. Lockdown taping ito na tatapusin na nila lahat ng mga eksenang hindi nila natapos dahil inabutan na sila ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Itutuloy nila ang big scene, ang earthquake scene, na napanood na ang simula sa TV bago ang ECQ, hanggang sa finale.

At para magkaroon ng chance ang mga viewers na ma-refresh sila ng simula ng story ng DOTS, magkakaroon muna sila ng recap na susundan ng mga fresh episodes na gagawin nila. Abangan natin kung kailan magsisimula ang recap pero mapapanood ang fresh episodes sa last quarter of 2020.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

-Nora V. Calderon