Mananatili pa rin sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases si Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles.
Ito ang kanyang nilinaw matapos mapaulat na tinanggal na siya at hindi iniluklok bilang spokesperson ng IATF.
“Hindi po ako natanggal sa IATF. Nandyan pa rin po tayo sa IATF. In fact, co-chair pa rin ako ng IATF, kasama si Health Secretary Francisco Duque III. Hindi lang po ako natuloy bilang spokesperson ng IATF dahil mayroon spokesperson si Pangulo,” paglilinaw ni Nograles.
Hindi lamang aniya siya tuluyang naitalaga bilang tagapagsalita ng IATF dahil sa pagbibigay-daan kay Presidential spokesmanHarry Roque.
Idinagdag pa nito, isang tao lamang dapat ang magsasalita para centralized ang mga nais ibahagi ng Malacañang o ng Pangulo
-BETH CAMIA