PINASIKLABAN ni Grandmaster Mark Paragua ang unang panalo ng Team Agila Pilipinas kontra Kyrgyzstan sa first round ng unang FIDE Online Olympiad nitong Biyernes.

Paragua

Paragua

Kasunod nito, pinataob naman nila ang Indonesia para makalikom ng apat na puntos at sumalo sa maagang pamumuno sa Australia, Germany at Bulgaria.

Ginapi ng New York-based na si Paragua sa top board si International Master Asyl Abdyjapar sa loob lamang ng 20 moves para kompletuhin ang 6-0 panalo ng mga Pinoy.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ang iba pang naglaro at nagwagi sa Round 1 para sa mga Pinoy ay sina GM Joey Antonio, WIM Catherine Secopito, Jerlyn Mae San Diego, Michael Concio at WIM Bernadette Galas.

N a u n g u s a n naman, 1-2 ,sa bungad ng second round dahil sa mga laro nina Paragua at Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna kontra kina GM Susanto Megaranto at IM Irine Sukandar na parehas nagtapos sa draw at pagkatalo ni WIM Jan Jodilyn Fronda kay IM Medina Warda Aulia, nakuha pa ring manaig ng Pinoy laban sa Indonesia sa pamamagitan ng naitalang panalo nina IM Daniel Quizon at GM Rogelio Barcenilla at draw ni WIM Kylen Joy Mordido.

Nauna rito, nagtala ng 32-move na panalo sa English Opening ni Antonio kontra kay Andrei Maznitsin sa Board 2.

Namayani naman si Secopito laban kay Diana Omurbekova gayundin sina San Diego, Concio at Galas kontra kina Shakhnazi Musaeva, Aziz Degenbaev at Aizhan Alymbai Kyzy ayon sa pagkakasunund-sunod.

Kontra Indons, namayani si Quizon laban kay IM Gilbert Elroy Tarigan habang nakahirit ng draw si Mordido laban kay WIM Ummi Fisabilillah.

-Marivic Awitan