SINABI ni Mikee Cojuangco- Jaworski, miyembro ng executive board ng International Olympic (IOC), na matindi ang tama ng novel coronavirus (COVID-19) pandemic sa larangan ng sports.

Dahil sa pandemya, lahat ng major leagues hindi lamang sa Pilipinas bagkus sa buong mundo ang natigil o na-postpone.

Inamin ni Mikee na ang pagpapaliban sa Tokyo 2020 Summer Games 2021 ang maituturing na pinakamatinding impact ng COVID-19 sa daigdig ng paligsahan.

“Because of the postponement of Tokyo, it’s like having to work double time to organize an Olympics that’s postponed rather than cancelled... I’ve been keeping busy,” pahayag ni Cojuangco-Jaworski sa isang episode ng Tiebreaker Vods’ So She Did podcast.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Si Mikee ay nahalal sa IOC Executive Board nitong Hulyo sa gitna ng mga problema at kontrobersiya sa international sport habang ang pandemic ay nananalasa sa maraming panig ng mundo.

Bago pa man siya nahalal sa IOC, ang 46- anyos na equestrian champion, ay nakatalaga na sa isang commission sa Tokyo 2020.

“Sapul sa simula, ako ay nasa Tokyo 2020 coordination commision na... we are the ones that coordinate with the organizing committee of Tokyo on the different details. It’s very complex to organize an Olympic games,” ani Mikee.

Sa kabila ng mga hamon bunsod ng Covid-19, nakahanda siya sa paglahok sa Olympics, hindi bilang isang atleta kundi bilang isang pinuno ng IOC. Si Mikee ang kauna-unahang Asian woman na nagkaroon ng posisyon sa IOC executive board, ang top body ng organisasyon.

-Bert de Guzman