May 22, 2026

Home BALITA National

Cendaña kay Dela Rosa: Pumasok lang para mamulitika, ipagtanggol VP Sara

Cendaña kay Dela Rosa: Pumasok lang para mamulitika, ipagtanggol VP Sara
Photo courtesy: Akbayan Rep. Perci Cendaña/FB, MB


Tahasang inihayag ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na ang paglitaw muli ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ay tila isang pamumulitika at paraan upang ipagtanggol si Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos hindi magpakita ang senador mula pa noong Nobyembre 2025, matapos ang napaulat na umano’y warrant of arrest na inihain ng International Criminal Court (ICC) laban sa mambabatas.

Sa isang pahayag na ibinahagi ni Cendaña nitong Lunes, Mayo 11, tila naloloka niyang inilahad na paraan lang umano ito para pigilang ma-convene ang impeachment ni VP Sara sa Senado.

“Kaloka! Matagal na absent at hindi nagtrabaho. Pumasok lang para mamulitika at ipagtanggol si Sara,” saad ni Cendaña sa kaniyang post.

Aniya, “Because they cannot muster a strong defense for VP Sara, they choose to prevent the trial from convening.”

Matatandaang nanguna si Dela Rosa bilang senador na nakapagtala ng pinakamaraming absent sa Senado, matapos siyang lumiban nang 31 beses.

MAKI-BALITA: Sen. Bato Dela Rosa, numero unong puro absent sa Senado!-Balita

Sa kaugnay na ulat, pormal naman nang na-impeach ang Pangalawang Pangulo sa House of Representatives (HOR)—matapos makakuha ng 255 yes, 26 no, at 9 abstain sa isinagawa nilang botohan nitong Lunes, Mayo 11.