Burado na ang teleseryeng Burado na pagbibidahan sana nina Paulo Avelino, Julia Montes, Zanjoe Marudo, at Nadine Lustre.

burado

Excited ang mga nabanggit sa kuwento ng Burado at makakasama pa nila ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet.

Pero dahil sa COVID-19 pandemic ay tumanggi na si Julia na gawin ang teleserye dahil hindi siya pabor sa lock-in shooting na nauna namang tanggihan din ni Nadine gayundin si Ngamnet na hindi rin pinayagang bumiyahe dahil sa pandemya.

KILALANIN: Sino si Miss Eco International 2025 Alexie Brooks?

“Difficult to mount at this time,” bahagi sa statement ng Dreamscape Entertainment na producer ng Burado dahil sa iba’t ibang bansa sana ito iso-shoot tulad ng Thailand, Cambodia, at India bukod pa sa Pilipinas.

Bukod kina Paulo, Julia, Zanjo, Nadine ay makakasama rin sana sa cast sina Angel Aquino, Carmi Martin, Joko Diaz, Ina Raymundo, Lotlot de Leon, Matet de Leon, Mccoy de Leon, Javi Benitez, Kokoy de Santos at Raymond Bagatsing at sina Emmanuel Palo at Darnel Villaflor ang magdi-direk.

Sa ngayon ay kasalukuyang umeere sa Kapamilya Online Channel ang mga seryeng FPJ’s Ang Probisnyano, Love Thy Woman, A Soldier’s Heart at sa Lunes, Agosto 17, ang simula ng Ang Sa Iyo Ay Akin.

-REGGEE BONOAN