SA poder ng tatay niyang si Pampi Lacson muna tumira si Thirdy Lacson, ang binatilyong anak ni Jodi Sta. Maria habang mahigit tatlong linggo siyang nasa taping ng Ang Sa Iyo Ay Sa Akin na mapapanood na sa Agosto 17 pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

jodie

At dahil lock-in ang taping ng serye ay aminado si Jodi na maraming adjustments ang ginawa nilang lahat na kasama sa set.

‘’Halos three weeks kaming naka-lock in sa isang hotel sa Quezon City, napakalaking adjustment talaga unang-una sa working schedule palang we only worked for 12 hours pero tulad nga ng sabi ng nanay (Maricel Soriano) ko kanina na kahit maikli lang ‘yung working hours, wa na tsika roon dire-diretso ang trabaho.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

‘’Isa pang adjustment siyempre normal sa atin sa industriya yung bebeso, yayakap pag nagkikita-kita wala na kaming ganu’n ngayon, wave-wave na lang o kaya flying kiss, pag nagkukuwentuhan.

“Magkakalayo talaga, pag sa eksena, limited lang ang pupuwede na mga tao sa isang scene. ‘Yun ang ilan sa mga adjustment na kailangan naming harapin nu’ng sumabak kami sa new normal.

“Pero ang nakatutuwa naman kasi ginawa naman talaga ang mga guidelines para sa proteksyon ng lahat at nakita rin kung gaano kadali at mag-adopt sa new normal at ‘yung resiliency sa bagong normal na kinakaharap namin,’’ pagkukuwento ng aktres.

Nabanggit din ni Jodi na sobrang laking tulong ang ginagawa sa kanila ni Marya in terms of acting, “may biglang workshop kami.”

“Si nanay Marya, mayroon siyang ginawa na parang napanganga ako sa eksena sabi ko, ‘nay paano mo ginawa ‘yun? Turuan mo naman ako, so tinuro niya sa akin ‘yung technique niya, style niya, so may ibang sequences na ganu’n ‘yung atake na ginawa ko. Kaya nagpasalamat ako kasi sobrang nagwo-work. Lahat generous para sa ikagaganda ng programa,” masayang kuwento ni Jodi sa nakaraang virtual mediacon ng Ang Sa Iyo Ay Akin handog ng JRB Creative Production.

Sabi nga ni Iza Calzado, “may ganu’n nga si Inay Marya, school of acting, kasi talagang nagtuturo siya and we are so blessed on the receiving of that knowledge and wisdom technique as well.”

Ipinakitang nakangiti namang nakikinig si Maricel sa papuri sa kanya ng co-stars niya sa ASIAA mula sa direksyon nina FM Reyes at Avel Sunpongco na mapapanood na sa Kapamilya Online Live, Youtube at iba pang Kapamilya channels.

-Reggee Bonoan