MAY ilang netizens na hindi naniniwala sa “Never” na sagot ni Heart Evangelista nang tanungin kung papasok ba siya sa pulitika sa Sorsogon na ang ibig sabihin ay kung tatakbo ng posisyon sa lugar ng asawang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero?

heart

Katuwiran ng netizens, ganu’n din ang isinagot ng ibang artistang nasa pulitika na ngayon, hindi raw sila tatakbo pero malalaman mo na lang, kandidato na pala at nangangampanya. In fairness kay Heart, consistent sa pagsasabing hindi niya papasukin ang pulitika at kaya lang siya active sa Sorsogon dahil sinusuportahan si

Chiz. Tumutulong din siyang i-promote ang Sorsogon by posting the tourist spots, the food at ngayon ay ang native products na gawa ng mga Sorsoganons.

Tsika at Intriga

Siwalat ni Jackie Foster: Kyline Alcantara, pinipisikal daw si Kobe Paras

Panay nga ang ikot ni Heart sa Sorsogon sa paghahanap ng native products na isasama niyang ibenta sa Maison Love Marie na isang Art/Home/Objects Designed and curated by Heart.

Ang dami nang napiling products ni Heart na mabibili sa Maison Love Marie at sa nababasa namin, marami ang interesadong mabili ang mga produkto na pino-post ng aktres. May nag-suggest na ilagay niya sa Lazada at Shopee ang nasabing Sorsogon products para mas marami ang makaalam.

Nitz Miralles