SIMULA nang pumunta ng Sorsogon City in the Bicol Region si Heart Evangelista to be with her husband, Sorsogon Governor Chiz Escudero, hindi pa siya bumabalik ng Manila, dahil katuwang siya ng asawa, kasama ang kanyang team, sa patuloy na pamamahagi ng tulong sa mga kababayan nila sa probinsiya ng Sorsogon. Bukod doon, ay active rin si Heart sa pagpu-promote ng iba’t ibang local products ng Sorsogon na talaga namang magaganda.

Tuloy, maraming nag-iisip at nagtatanong kay Heart kung may balak daw ba siyang pasukin ang pulitika? Ilang taon na rin kasing wife siya ni Chiz Escudero noong Senator pa ito at palagi siyang kasama sa mga political functions, tulad nang kapag may State of the Nation Address (SONA) kung sino man ang Pangulo sa panahong iyon.
Pero mabilis ang simple at diretsong sagot ni Kapuso actress: “Politics is not for me. I can help our constituents without that kind of power.”
-Nora V. Calderon