July 11, 2026

Home BALITA

Sen. Erwin, magbibitiw sa pwesto kung dawit sa flood control

Sen. Erwin, magbibitiw sa pwesto kung dawit sa flood control
Photo Courtesy: Ralph Mendoza/BALITA

Nakahanda umanong mag-resign si Sen. Erwin Tulfo sa kaniyang posisyon sakaling mapatunayang sangkot siya sa maanomalyang flood control projects.

Sa ginanap na monthly balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) nitong Martes, Hulyo 7, hinamon ni Sen. Erwin ang sinoman na hanapin ang pangalan niya sa mga dokumentong nagsisiwalat ng korupsiyon sa likod ng flood control projects gaya ng Cabral Files.

Matatandaang ang Cabral files ay isang kontrobersiyal na set ng mga dokumentong naglalaman umano ng budget insertions ng mga mambabatas sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Isiniwalat ito ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste noong Disyembre 2025.

“Kung mayro’n po kayong makitang papel, kung nando’n ‘yong pangalan ko kay Cabral files, o DPWH, o mayro’ng magturo sa akin na district engineer, regional director, o contractor, dalhin n’yo po at magre-resign ako,” saad ni Tulfo.

Politics

'Tigilan na natin!' Ombudsman Remulla, may paalala sa pag-iral ng conflict of interest ng mga politiko

Ngunit wala umano siyang nakuha ni singko galing sa mga proyekto ng gobyerno mula nang maging kongresista hanggang ngayong senador siya.

“Wala po akong natanggap na pondo para sa flood control o farm-to-market road, o kung anomang kabulastugan ‘yan,” dugtong pa ng senador.

Ito ay sa kabila ng akusasyon ng “18 ex-marines” na nakatanggap umano si Sen. Erwin ng male-maletang pera.

Maki-Balita: Sen. Erwin vs 18 ex-Marines: 'Ako'y natutuwa, hindi ako naiinis. Matatawa ka na lang!'