July 23, 2026

Home BALITA National

Usec. Castro pinuntong 'wag lang magbanta, magmura mga Pinoy sa Canada!

Usec. Castro pinuntong 'wag lang magbanta, magmura mga Pinoy sa Canada!
Photo courtesy: RTVM

Mariing nagpaalala si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro para sa mga Pilipinong nasa Canada na ayos lang naman daw na magsalita ang mga ito ngunit hindi raw ang magbanta at magmura sa kanila. 

Matatandaang nag-viral sa social media noong Hulyo 4, 2026, ang videong ibinahagi ng uploader na si ni “HYenne Tan” kung saan mapapanood ang pagsunod ng ilang mga Pinoy kay Castro habang tinatalakan siya at sinasabihang "Anti Kler,” “cry baby,” “makapal ang mukha,” “korap,” “pangit,” “sinungaling,” “She's a liar,” at “Please bring the money to the Filipino people.”

KAUGNAY NA BALITA: 'May freedom of expression tayo pero hindi kailangang maging bastos!'—Usec Castro

Sa bagong naging pahayag naman ni Castro sa panayam sa kaniya ng media nitong Martes, Hulyo 7, sinabi niyang hindi raw nila inaasahang magba-viral sa social media ang naturang video ng pagsunod ng ilang mga Pinoy sa kaniya habang nasa Canada. 

Ani Castro, wala rin naman daw siyang sinampang kaso laban sa mga Pinoy na umano’y humarass sa kaniya at wala rin daw siyang alam sa usapin kung ipapa-deport ang mga ito. 

National

Sen. Robin Padilla, nilinaw 'one-sided' remarks niya sa prosekusyon

“‘Yong update doon o kakasuhan o ipapa-deport, wala talaga akong information about that at wala naman akong ina-update… wala rin akong ni-file na complaint,” aniya. 

Diin pa niya, “Hindi lang namin inaasahan na magiging ganoon kawalang-galang ang mga Pilipino na nandodoon sa ibang bansa.” 

Diin ni Castro, puwede naman daw magsalita ang mga Pilipino ngunit huwag lang daw manalangin ang mga ito na mamatay o pagmumurahin nang maraming beses ang isang tao. 

“Sabi nga natin, puwede naman sila magsalita pero huwag lang ‘yong ipapanalangin na mamatay ang isang tao at mumurahin mumurahin ka ng ilang mga beses,” ‘ika niya. 

Buwelta ni Castro, hindi raw iyon ang tipikal na pag-uugali ng isang Pilipino at hindi raw nila alam kung may kumukumpas o nagbabayad sa mga ito. 

“Hindi kasi ganoon ‘yong ugali ng totoong Pilipino na alam natin. Hindi tayo ganoon, e. Hindi natin alam kung may kumukumpas sa kanila, kung may nagbabayad sa kanila, pero ang masakit doon ay hindi naman kami naapi, e,” saad niya. 

“Ang naapi rito, ‘yong bansang Pilipinas, kasi ipinakita nila kung anong ‘yong klaseng Pilipino sila,” pagtatapos pa ni Castro. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Sila yung sinungaling!' Usec Castro, pumalag na sinabihang pangit at sinungaling pa