NAGLULUKSA ang volleyball community sa pagpanaw ng isa sa mga beteranong coach sa collegiate at commercial league.

Matapos ang mahaba-haba ring panahon ng pakikipaglaban sa bone marrow disease, pumanaw na ang decorated mentor na si Ronald “Ron” Dulay (April 24, 1972-August 3, 2020) sa edad na 48 anyos.

Halos tatlong dekada rin ang ginugol ni Dulay sa volleyball mula sa pagiging manlalaro sa koponan ng Far Eastern University kung saan bahagi siya ng Tamaraws squad na nagwagi ng championships noong Seasons 54, 56 at 57.

Pagkaraang maglaro, nagsanay naman sya upang maging coach sa Philippine Cultural College at sa FEU.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Buhat doon ay kinuha siya upang maging headcoach ng De La Salle University Green Spikers na inihatid niya sa kampeonato noong Season 64 at 66.

Sinubok niya ring mag coach sa women’s at kinuha siya para maging mentor ng University of the Philippines noong Season 70 hanggang 72.

Nagkaroon din sya ng tsansang makapag coach sa commercial league ngunit hindi na nya naduplika ang tagumpay na nakamit sa collegiate ranks.

-Marivic Awitan