KILALANG sentimental na tao si Sharon Cuneta kaya lahat ng mga gamit na gustung-gusto niya ay nalulungkot siya kapag nasisira o nawawala. Kaya madalas niyang sinasabi na lahat ng mga regalo sa kanya ay talagang pinahahalagahan niya.

sharon

Tulad ng kinalakhan niyang bahay sa Makati City ay gusto niyang bilhin ulit dahil marami siyang alaala roon.

May pinost na litrato ng lumang bahay si Sharon sa kanyang Instagram account nitong Sabado na gusto niyang bilhin, ito ang bahay na kinalakihan niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang caption ni Sharon, “This is where I grew up. We moved here in 1972-1973? One of the first three houses on the street. No Ayala Center yet. Just the Hotel Inter-Continental and later, QUAD and Fast food Centre and Karpark! Now all Glorietta. EDSA had only two lanes if I remember right. We could still cross it by walking. I grew up in paradise. PARAISO STREET, Dasmariñas Village. It was a beautiful and good, good home to our family, especially to me! Some 40+ years later, Daddy was gone, Mommy moved to a condo, and the big house was sold. I pray that someday; I would be able to buy it back. It is a totally new and different house now. But still...it is my Paraiso.”

Feeling namin kung sakaling mabili ulit ni Sharon ang nasabing bahay, baka diyan na sila titira forever para ma-experience rin ng mga anak niyang sina Frankie, Miel at Miguel ang bahay kung saan lumaki ang mama nila.

Nakaka-relate kami kay Sharon dahil ito rin ang pangarap namin sa bahay na kinalakhan namin pero nang malaman namin kung sino ang nakabili ay natuwa kami dahil malapit sa puso namin ang artistang nakuha nito.

-Reggee Bonoan