MATAGAL nang pinaghandaan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pagsapit ng ika-40 birthday niya ng August 2. “Oktoberfest” o isang 90’s rock-themed party sana ang selebrasyon na gagawin niya, pero hindi natuloy dahil nga sa community quarantine.

Kaya naman simple, pero masayang celebration ang ginawa ni Dingdong at ng kanyang pamilya sa kanilang bahay, kasama ang wife niya, si Primetime Queen Marian Rivera-Dantes at mga anak nilang sina Zia at Ziggy.

Isang pasasalamat ang ipinost ni Dingdong sa kanyang Instagram, para sa mga taong espesyal sa kanyang buhay, ang mga babae sa buhay niya at sa Diyos.

“Today, I honor my mother who brought me into this world. I had to have my own children to make me realize the sacrifices that our mothers do for us.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Today, I also honor my wife who has been my rock and core. Building a family of my own and reaching milestones have been a blissful and contented journey because I have her as my partner in and for life...”

“And of course, today, I honor our Creator, who has made all things possible and surmountable for me all throughout these years. So, I welcome and embrace your well-wishes so that I can continue glorifying Him.”

Kaya naman umani ng maraming likes at pagbati ang IG post ni Dingdong mula sa mga kasama sa trabaho, friends and fans

-NORA V. CALDERON