Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hanggang sa darating na Lunes, Mayo 4 na lamang ang aplikasyon ng Service Contracting Program (SCP).
Saad pa ng LTFRB, hanggang 11:59 PM lamang ang filing ng aplikasyon sa SCP, kaya hinihikayat nila ang interesadong Public Utility Vehicle (PUV) operators na agad sumali sa programang ito bago ang itinakdang araw at oras ng deadline.
Anila pa, maaaring ipasa ang aplikasyon sa pamamagitan ng pag log-in sa Land-Based Service Contracting Program Portal na makikita sa Facebook page ng LTFRB.
Kung saan, maaaring maa-upload ng operators ang mga kinakailangan nilang dokumento, gayundin ang pagsubaybay sa status ng kanilang aplikasyon.
Ipinapaalala rin ng ahensya na anumang aplikasyong lalagpas sa itinakdang araw at oras ay hindi na nila tatanggapin.
KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Benepisyo ng ‘Service Contracting Program’ sa commuters at drivers sa kasagsagan ng krisis