WALONG magkakapatid sina Kapuso hunk actor Mikael Daez. Last year, ginulat nina Mikael at Megan Young ang mga fans nila nang ibahagi nila ang intimate wedding ceremony nila sa Subic, Olongapo City, na tagaroon ang mga Young. Wala pa naman silang balak magka-baby, although excited na ang mga fans na maging parents na sila. Pero noong isang araw nagbahagi na ang mag-asawa sa kanilang YouTube vlog nang bumisita sa kanila ang bunso nina Mikael na si Alvaro.

mikael

“Dinala ni Mommy si Alvaro sa bahay namin ni Megan at pansamantala raw muna naming bantayan si Alvaro,” kuwento ni Mikael. “Na-excite naman kami ni Megan dahil gusto naman naming subukan kung paano kami kapag nagka-baby na kami, paano ang parenting skills na pwede naming gamitin sa kanya.”

At sa YouTube vlog nga nina Mikael at Megan, ipinakita ni Mikael na tinuturuan nila si Alvaro ng ilang Tagalog words habang nagmi-merienda sila. Naroon din iyong pagtuturo nila kay Alvaro ng tamang paghuhugas ng pinggan. Pansin naman na ini-enjoy ni Alvaro ang itinuturo sa kanya at kapansin-pansin din ang closeness niya sa kanyang kuya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang YouTube vlog nga muna ang pansamantalang ginagawa nina Mikael at Megan, habang pareho silang naghihintay sa pagri-resume ng taping nila ng kani-kanilang teleserye, si Mikael sa Love of My Life at si Megan sa Legal Wives.

-NORA V. CALDERON