Balik-ensayo na ang mga Olympic-bound athletes at mga national athletes na target na makapasok sa Games matapos na maipalabas na ang Joint Administrative Order sa pagitan Philippine Sports Commission (PSC) , ng Games and Amusement Board (GAB) at ng Department of Health (DOH) na naglalaman ng mga alituntunin ukol pagsasagawa ng mga physical at sports activities sa panahon ng COVID-19.
Dahil dito ay nakahinga na nang maluwag si PSC chairman William Ramirez gayung matagal ang itinakbo ng proseso upang maaprubahan ang nasabing guidelines.
“We all recognize the importance sport plays in building one’s strong immune system, what we just wanted to ensure was that they keep safe and away from the virus while they are doing it,” pahayag ni Ramirez.
Kabilang sa mga sports at atleta na binigyan na ng pahintulot na magsagawa ng training at nasasakop ng nasabing JOA ay ang mga non-professional sports na nasa ilalim ng pamamahala ng PSC, professional sports na nasa ilalim ng GAB, gayundin ang mga non-professional at professional athletes, coaches, trainors, promoters at iba pang bahagi ng mga actibidades na nasa ilalim ng mga nabanggit na ahensiya at bahagi ng event kabilang ang mga paaralan, local government units, venues at iba pa.
Kalakip ng nasabing JOA ang mga kondisyones at mga pangangailangan na dapat na maisagawa ng para sa mga gaganaping events at depende sa kung anumang quarantine status nasa sa ilalim buhat sa enhanced community quarantine o ECQ hanggang sa Modified General Community Quarantine o MGCQ.
Ayon naman kay PSC National Training Director at Chief of Staff Marc Velasco, na posibleng madagdagan pa ang mga alitunin na kalakip ng nasabing JOA, ngunit masaya umano sila gayung nabigyan na ng pagkakataon na maibalik nang paunti-unti ang palakasan sa bansa sa gitna ng pandemya.
“It is a work in progress, but we are happy that we finally have an official issuance which recognizes the importance of sport in this pandemic. This will help hasten our moving forward,” ani Velasco.
Kabilang sa mga lumagda sa nasabing JOA ays ina PSC chairman Ramirez, GAB chairman Baham Mitra at DOH Secretary Francisco Duque.
-Annie Abad