SA Amanpulo pala nag-honeymoon sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo at doon na rin nag-celebrate ng kanyang 32nd birthday noong July 25. Kasama sa ginawa ng mag-asawa habang nasa Amanpulo ang magtanim ng puno.

sarah at matteo

Sa tanong ni Dr. Hayden Kho kung tig-isa sila nang itinanim na puno, ang sagot ni Matteo, “No, together na lang kami, doc. We’re one na e” na ang reaction ni Sarah ay “Mahal...”

May maiksi, pero sobrang meaningful na birthday message si Matteo kay Sarah:

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Happy birthday my lovely wife. I’m so proud of you. You deserve all the happiness and positivity that life has to offer. Whatever dreams you want to achieve, I’m here by your side. You are so beautiful. Happy birthday!”

Kasama nina Matteo at Sarah sa Amanpulo sina Dra. Vicki Belo at anak na si Scarlet Snow, kaya ang biruan, may chaperone ang dalawa sa kanilang honeymoon. Para raw kasama pa rin ni Sarah ang mom niyang si Divine.

-Nitz Miralles