KAPAG nagpo-post si Bianca Umali ng photo niyang naka-two-piece swimsuit, nabubulabog niya ang netizens, fans man niya o non-fans. Parang lahat, gustong mag-comment at gustong mabasa ang kanilang comment at makarating kay Bianca.

bianca

Gaya na lang ng bagong post ni Bianca na galing siya sa beach at obvious na nag-swimming. Nakatungo ang aktres sa picture at simple ang caption na “long time, no sea” na ibig sabihin, nakapag-swimming na rin siya after a long time.

Hindi nga kita ang mukha ni Bianca sa photo, pero kitang-kita ang sexy figure, boobsie at walang bilbil. Bagay kay Bianca ang maging endorser ng swimsuit at wala nang ipi-filter sa kanya dahil perfect ang hugis ng katawan, maganda at morena ang complexion.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Napansin din namin na hindi lang lalake, pati babae nag-comment at halos pare-pareho ang comment na “Wow,” “Super hot,” “Grabeee,” “So fit” at iba pang comments.

Anyway, open na sina Bianca at Ruru Madrid sa kanilang relasyon at ang sabi, hinintay lang nila na madoktrina sa Iglesia Ni Cristo si Bianca para walang isyu sa pakikipag-relasyon niya kay Ruru na INC ang relihiyon.

Also, puwede na sigurong mag-taping sina Bianca at cast ng Legal Wives ng GMA-7 kung saan, isa si Bianca sa gaganap na asawa ni Dennis Trillo. More mature ang role rito ni Bianca na tiyak makikipagsabayan kina Dennis, Megan Young, at Alice Dixson dahil mahusay din siyang artista.

-NITZ MIRALLES