MASAYA na si Kapuso actress Heart Evangelista dahil magkasama na sila ng husband niya, si Sorsogon Governor Chiz Escudero, pagkatapos ng more than three months na naka-lockdown siya sa bahay nila sa Quezon City kasama ang kambal ni Gov. Chiz, habang nasa Sorsogon naman ang gobernador.

heart

Kaya naman halos hindi na nagpapahinga si Heart sa pag-aabot ng tulong sa mga apektado ng krisis na dala ng COVID-19 pandemic nang dumating na siya sa Sorsogon at sinamahan ang asawa sa pamamahagi ng mga donasyon para sa mga kababayan. Ang kanyang team na nasa Sorsogon ay niregaluhan naman ng wheelchair ang isang stroke patient na lola.

Pero pampa-good vibes din ni Heart sa kanyang latest vlog na ipakita ang mga magagandang tourist spots sa Sorsogon na pwedeng puntahan ng mga turista kapag natapos na ang pandemic. Isinama rin ni Heart sa kanyang vlog ang pamimili niya ng iba’t ibang klase ng home decor na proudly Pinoy-made sa kanila sa Sorsogon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Nora V. Calderon