HINDI lahat ng nanahimik ay dedma sa mga nangyayari sa kapaligiran niya o sa mga taong mahal niya sa buhay. May mga dahilan kung bakit nanahimik ang isang tao kapag may isyu, pero hindi ibig sabihin ay kaduwagan o totoo.
Ang boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na si Sam Milby ay tahimik lang sa mga banat sa dalaga mula sa dating karelasyong si Clint Bondad, ayaw niya kasing pahabain o patulan ang sa tingin niya ay hindi dapat patulan, pero kapag lumampas na sa linya ay hindi puwedeng hindi siya magsasalita.
In a professional way ay nag-post si Sam ng kanyang official statement na ipinagtatanggol niya ang kanyang Miss Universe laban sa mga isyung nakakasira na ng imahe nitong Linggo ng gabi na umabot na sa 93.6k likes at 4,714 komento na sang-ayon sila sa pahayag ng aktor.
“I cannot simply stand by and allow other people to take control of a narrative that is not theirs to tell.
“Cat and I have chosen to keep our relationship mostly private. It was only until recently that we made an exception, to lend our voices to charitable causes.
“But that does not mean that there is truth to any of these false stories and fake news that people are creating to fill in the blanks.
“In fact, these wrongful accusations and defamatory lies are dangerous.
“One’s silence doesn’t imply guilt. It has been our initial choice not to dignify nor respond to all these baseless claims.
“Cat is one of the kindest souls I’ve ever known. She is always putting other people first, thinking of how to use her voice and talent to help other people in need.
“Her grace, dignity, and strength even in the midst of all these false accusations make me admire and love her even more.
“I will always be here for her and will do always in my power to protect her,”
Anyway, naging abala si Sam nitong mga huling linggo dahil sa taping ng teleseryeng ang Sa ‘Yo ay Akin kasama sina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria at Ms Maricel Soriano dahil inaabot siya ng 36 sequences sa isang araw at malapit na itong umere kaya isinantabi muna niya ang taong nanggugulo sa girlfriend niya.
Ipinalabas kagabi (Lunes) sa oras ng FPJ’s Ang Probinsyano ang ASIA full trailer launch ng teleseryeng Ang Sa ‘Yo ay Akin sa Kapamilya Channel na mapapanood sa iWant, ABS-CBN’s Sky Cable and Sky Direct, international subscription service TFC, YouTube.
Habang sinusulat namin ito ay wala pang reaction ang ex-boyfriend ni Catriona na si Clint at mukhang nanahimik, baka naman nahimasmasan na o baka may ibang pinagkakaabalahan.
-Reggee Bonoan