PINASALAMATAN ni Angel Locsin sina Nadine Lustre at Sarah Geronino for finally speaking up and showing support sa ABS-CBN. Nasa Instagram Story ni Angel ang post ni Nadine na “Gaya ninyo, Kapamilya din ako. Gaya ninyo natatakot ako sa mga nangyayari. Gaya ninyo, malungkot din ako para sa 11,000+ na taong nawalan ng trabaho. Gaya ninyo, umiiyak ako para sa sariling bansa. Dahil gaya ninyo, Pilipino din ako.

angel, sarah, nadine

Kasama ako sa laban na ito. Patuloy na tumutulong at nagdadasal sa kabila ng pagluluksa. Sana ay ibaling natin ang atensiyon natin sa mga bagay na nararapat pagtuunan ng pansin. Pakiusap, huwag tayong mag-away away at maghati. Wala na tayong oras.”

Kasunod ng post na ito ay ang post ni Angel na “Salamat, @nadine.” Hindi pinost ni Angel ang mahabang letter ni Sara, pero nagpasalamat din siya at sabi, “Thank you, Sarag G. Mahal Kita.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Naging isyu kasi sa fans nina Nadine at Sarah ang pag-call out ni Angel sa Kapamilya stars na hindi nagpapakita ng suporta sa mga gaya nila nina Kim Chiu, Enchong Dee at iba pang open at vocal na nakikipaglaban. May fan nga si Nadine na kinol-out si Angel dahil pinipilit daw magsalita si Nadine, ang sagot ni Angel, kung natatandaan ng fan, siya lang ng nagtanggol kay Nadine noong isyu nila ni Jobert Sucaldito.

Anyway, sino kaya ang pinatutungkulan ni Angel sa post niyang “No one asked you to go to a rally. Obviously, you don’t need to go out to use your voice for the voiceless, But making up an excuse to save face at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting.”

-Nitz Miralles