Para sa natututo nang umibig at magmahal ang first single with music video titled Puwede Kayang Maging Tayo ni singer artist cum actor Bamboo B. na ngayon ay 14 years old na at tipong in real life ay may mga crush ng girlash, sa true lang.
Masaya si Bamboo B. na may original songs na siya na puwedeng ipagmalaki. Nabuo raw ang song during quarantine due to COVID-19. Stay home lang daw siya kaya pinadalhan siya ng batikang composer na si Vehnee Saturno ng kanta na kayang aaralin.
“Sabi sa akin ni Sir Vehnee ‘Bamboo may sinulat ako na kanta mukhang bagay sa iyo. Aralin mo, practice practice lang with minus one tapos recording na at may kasunod pa na music video. So yun po.
“Pangarap ko po talaga na maging magaling na singer/actor/dancer kaya wala akong tigil nung wala pa si COVID-19 sa kaka-acting workshop sa Jams Artist, sa Ogie Diaz acting workshop, sa Star Magic acting workshop. Okay naman po at nalilibang ako kahit marami rin akong assignments noon sa school namin.
“Napakalaking tulong po lahat yun sa akin para matupad ko ang aking pangarap na sana nga po ay matupad na agad kahit pa may pandemic COVID-19. Sabi nga po, kapag gusto may paraan, kapag ayaw, may dahilan.”
Ang mahabang pahayag ni Bamboo B. kay yours truly na siyang nagbigay sa kanya ng screen name na Bamboo B., in pernes.
K, goodluck to your singing, acting and dancing career Bamboo B. at sana nga ay hind imaging balakid si COVID-19 sa iyong pangarap na makilala nang husto sa ating showbiz industry.
At kung sino man ang aawitan mo ng kanta mong Puwede Kayang Maging Tayo in real life, sana nga maging puwedeng-puwede kayo sa isa’t-isa.
Yun na!
-MERCY LEJARDE