July 24, 2026

Home BALITA

SP Gatchalian, nag-aalala kay Sen. Hontiveros

SP Gatchalian, nag-aalala kay Sen. Hontiveros
Photo Courtesy: Win Gatchalian, Risa Hontiveros (FB)

Naghayag ng pag-aalala si Senate President Sherwin Gatchalian para sa kabaro niyang si Sen. Risa Hontiveros na nakatanggap umano ng sangkatutak na death threats.

Matatandaang idinulog na ng senadora sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga natatanggap niyang banta mula sa mga social media user.

Kaya sa panayam ng media nitong Biyernes, Hulyo 24, nausisa si Gatchalian kung anong hakbang ang dapat gawin ng Senado hinggil dito.

“Kausap ko si Sen. Risa kanina at sabi ko nga sa kaniya, of course, mag-ingat. maglatag ng precautionary measure, at sabi ko sa kaniya kung anong pwedeng ma-provide ng Senate....magsabi lang siya.,” saad ni Gatchalian. 

Bukod dito, pinayuhan din ng Senate President si Hontiveros na seryosohin ang naturang banta. Inamin din niya na nag-aalala siya sa kaligtasan ng senadora.

DepEd, hiring ng 10,000 school counselors para sa mental health ng mga estudyante!

Ayon sa kniya, “Of course [nag-alala ako]. Kasi no’ng last time na nagkaroon kami ng ganito no’ng POGO. Remember no’ng nag-hearing kami no’ng POGO? Sabay kaming nagkaroon ng death threats.”

Tiniyak naman ng Akbayan Party-list na kinabibilangan ni Hontiveros na makakarating ang pag-aalala ni Gatchalian sa kanilang miyembro.

“Salamat po sa pag-aalala. Makakarating,” anang grupo.

Sabi naman ni Hontiveros sa kaniyang Facebook post, “Maraming Salamat, SP Win Gatchalian! ”

Matatandaang pinagpapares sina Gatchalian at Hontiveros sa isa’t isa na parang mga artista at tinatawag silang “WinRi.”

Sen. Win, kinilig matapos i-ship kay Sen. Risa