INAMIN ni Zoren Legaspi na hindi naging madali sa kanya nang siya ang nagdirek ng morning talk-variety show na Sarap, ‘Di Ba? Fresh episode na ito ng Saturday morning show, matapos silang mag-replay ng mga past episodes. Hosted ito ni Carmina Villarroel at mga anak nila, ang kambal na sina Mavy at Cassy.

legaspi family

Para hindi masyadong mahirap ang taping, ipinasya ng production na sa bahay mismo ng mga Legaspi ito gawin, since ‘Bahay Edition’ ang naturang episode. Pero na-challenged nga si Zoren sa asawa at mga anak nang magsimula na silang magtrabaho.

“Mas mahirap i-direk itong sina Honey (Carmina) at sina Mavy at Cassy,” sabi ni Zoren. “Dahil siyempre they know me as their tatay and husband. It’s normal na ang approach nila sa akin ay parang kaibigan.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nagpasalamat naman si Carmina sa tulong ng ilan nilang kasama sa bahay para maitawid ang production ng “Sarap, ‘Di Ba?” “Yung PA ko na si Nesty, siya yung taga-scroll ng teleprompter, si Yaya Cora naman siya ‘yung sumisilip sa camera at nakasuot ng headset for the audio.”

Kuwento naman ni Cassey, mistulang assistant director sila ng kakambal. “Mavy is like the assistant director din kasi siya ‘yung nagtsi-check kung ok ‘yung lighting and camera angle. It’s really hard.”

Maliban sa surprise guests at cooking segments na kayang-kayang gawin at home, marami pang matutuklasan ang Kapuso viewers sa Legaspi family sa kanilang “Sarap, ‘Di Bahay Edition” sa Sabado, July 18, 10:45 AM, bago ang Eat Bulaga.

-NORA V. CALDERON