Maraming empleyado ng ABS-CBNang tuluyan nang pakakawalan ng management simula sa Agosto 31 base na rin sa kasalukuyang estado ng network.

Ayon sa ilang nakausap namin ay marami na ang hindi makatulog dahil iniisip nila kung ano ang mangyayari sa kanila sa oras na sabihan sila ng management na tapos na ang serbisyo nila.

Oo nga ang hirap maghanap ng trabaho ngayon lalo’t tumataas na naman ang mga kaso ng COVID-19 imbes na mabawasan kaya hindi pa rin bukas ang ilang negosyo dahil sa takot.

Ang pagkakaalam kasi namin ay may ilang matitirang mga staff sa production na kasalukuyang may umeereng shows at binubuong shows. Pero siyempre limitado na lang ang matitira. At gayun din marahil sa mga empleyadong nasa opisina na may importanteng posisyon ang tiyak na matitira.

At sa TV Patrol episode nitong Martes ay binasa na ang official statement ng ABS-CBNmanagement:

Tsika at Intriga

Janine Gutierrez sinupalpal netizen, pumalag sa balitang buntis siya

“Dahil sa desisyon ng Kongreso na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, humantong na ang network sa mahirap at masakit na desisyon na itigil ang operasyon ng ilang negosyo nito at simulan ang proseso ng pagbabawas ng empleyado simula 31 Agosto 2020.

“Ginagawa namin ang lahat para maibsan ang sakit na mararamdaman ng mga maaapektuhan, kabilang ang pagbibigay sa kanila ng separation pay na naaayon sa batas at retirement benefits at mga programang tutulong sa paghahanap nila ng bagong trabaho.

“Mahirap na pakawalan ang aming mga kapamilya sa panahong walang kasiguruhan at puno ng pangamba dahil sa COVID-19 ngunit ito ay isang desisyong kailangan naming gawin.

“Bagama’t masakit, ito lamang ang paraan upang matiyak pa ang trabaho ng ibang mga kapamilya.

“Ipinagdarasal namin ang mga mawawalan ng hanap-buhay at ang kanilang mga pamilya. Sana’y pagkalooban kayo ng lakas ng loob sa pagharap sa mga darating na pagsubok.

“Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng inyong ginawa para sa ABS-CBN. Maraming salamat po, Kapamilya.”

—Reggee Bonoan