MASAYA na ngayon si Kapuso actress Heart Evangelista dahil nakakapunta na ng Manila ang husband niyang si Governor Chiz Escudero ng Sorsogon City, ngayong tapos na sila sa enhanced community quarantine lockdown doon. Sa bahay nila sa Quezon City inabutan ng lockdown si Heart at ang twins ni Governor Chiz na sina Chesi and Quino. Kaya hindi rin naman makabiyahe si Heart at ang kambal para samahan si Gov. Chiz.

heart

Naging busy naman ang ‘Queen of Creative Collaboration’sa paggawa ng mga products ng Sorsogon tulad ng damit, bags at personal gadgets na ginagawa niya at ibinebenta online. Ang latest niyang produkto ay ang artwork ng wearable air purifiers.

Ibinalita ito ni Heart sa kanyang Instagram account kasama ang picture niya na suot ang personal air purifier na pwede nang orderin online.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Introducing you all to our Love Marie Air Purifier, featuring my paintings of course! Check out @essentialsmnl_ to get your own!” caption pa ni Heart.

Sa ngayon ay hindi na muna iniisip ni Heart na muling bumalik sa pag-arte dahil wala pa rin namang chance kung pwede nang mag-taping ang GMA since marami pang dapat ayusin bilang pagsunod sa mga protocols sa pag-iingat laban sa COVID-19.

-NORA V. CALDERON