POSIBLENG hindi na maituloy ang ika-10 season ng Asean Basketball League (ABL) sanhi ng coronavirus (COVID-19) pandemic.
Maliban sa tuluyang pagkahinto ng kanilang 10th season, maaari ring mag shutdown na ang liga.
Ayon sa ilang mapagkakatiwalaang sources, hindi na ni-renew ng regional league ang kontrata ng kanilang mga staff kabilang na ang chief operating officer na si Jericho Ilagan.
Bagama’t nangako ang mga officials ng Singapore-based league na kikilalanin ang kontrata ng kanilang mga staff hanggang Mayo 30, ngunit hindi na ito nangyari dahil pinasuweldo lamang nila ang kanilang mga staffs hanggang Marso 30.
Sa katunayan, si Ilagan mismo ang sumagot sa “separation packages” ng mga staff na karamihan ay mga Filipino.
Ang majority owner ng ABL ay ang AirAsia — isang Malaysian low-cost airline na napaulat na nalugi ng $187.91 milyong dolyar sa unang quarter ng taon.
Ilan sa mga ABL teams na Formosa at Fubon ay nagdesisyon ng sumali sa Taiwanese league habang ang Thailand team na Mono Vampire ay nag- focus naman sa Thailand Basketball League.
Marivic Awitan