EURO league o NBA?

Tiyak na may mapaglalagyan ang 7-foot-1 na si Greg Slaughter matapos lumagda ng kontrata sa BeoBasket -- itinuturing na pinakamalaking basketball agency sa buong mundo.

Mismong si Slaughter ang nagpahayag ng kanyang paglagda sa BeoBasket sa kanyang social media accounts kahapon.

Ang BeoBasket ay pag-aari ng Serbian lawyer at agent na si Misko Raznatovic, na sya ring nagmamay-ari ng koponang Mega Basket sa Serbian league.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“I am very happy to announce that I’ve signed with @ mizko4raznatovic,owner of BeoBasket,the biggest basketball agency in the world,” pahayag ni Slaughter sa kanyang post.

Tumatayo ring agent si Raznatovic sa ilang mga NBA at Euroleague players, gaya nina Nikola Jokic, Boban Marjanovic at Cedi Osman.

Ayon kay Slaughter, ilan sa mga kliyente ni Raznatovislc ay naglaro sa nakaraang taong FIBA Basketball World Cup at target niyang sumunod sa mga ito tatlong taon mula ngayon.

“They represented the most number of players competing in the 2019 World Cup and I look forward to adding to that in 2023,” ayon kay Slaughter.

Sa edad na 28-anyos, nilisan ni Slaughter ang PBA kung saan may maganda siyang career sa crowd-favorite Ginebra San Migue.

-Marivic Awitan