HATAW ang cutest duo na sina Kikay Mikay sa paghasa ng kanilang talento sa pagsayaw, pag-acting at hosting mereseng may COVID pandemic sa buong mund. Pero ito naman ay kanilang ginagawa sa loob lamang nang kanilang bahay bilang pagsunod sa “stay at home” policy ng gobyerno natin.
Ang latest update na proyekto nila ay may dalawang movie silang coming soon na ang isa ay kakatapos lang ma-shoot bago dumating ang lockdown quarantine sa bansa
Na may titulong Nagalit Ang Patay Sa Tagal Ng Lamay directed by Zaldy Munda under White Eagle Productions.
Almost six months of training ang ginawa rito nina Kikay Mikay dahil bukod sa acting ay tinuruan din sila dito ng mga martial arts.
Comedy horror ang movie na ito at ang mga kasama nilang artista dito ay sina Bembol Rocco, Carlo Cepeda, Pekto, PJ Abellana, at marami pang iba. Isa pang movie ng dalawa ang School Campus na pinagbibidahan ni Awra directed by Carlo Konge Montero at Zaldy Munda under I. P. S Production, produced by Violeta Sandoval at bukod diyan may bago ulit silang movie na gagawin under direk Mike Magat na entry for another International Film.
At dahil nga sa Veerus ay na-stop ang taping ng kanilang mga show but no worries daw kasi coming soon pa din ang Yes Yes Yow na noon time show at Kaagaw Sa Pangarap na teleserye under Smac TV Production na eere sa IBC 13.
And take note, open din ang Kikay Mikay sa ano mang endorsement na fit sa kanila at isa na nga dito ang CN HALIMUYAK PILIPINAS KIKAY MIKAY HAND SANITIZER dahil bilib sa kanila ang owner ng CN Halimuyak na si Madam Nilda Tuazon coz fit na fit daw talaga sa dalawang bagets ang endorsement na ito lalot sa panahon ngayon para iwas sakit, iwas veerus, bacteria.
Active rin ang dalawang bagets sa paggawa ng mga videos tulad ng vlog para sa kanilang followers.
-MERCY LEJARDE